(Due to unfavorable turnout of events — which I should have expected in the first place, but as to be "expected from me" I haven't — let's just suppose the following situation is the constant precursor to each copy-a-poem task I had done.)
Griping about the delay in the train's arrival, I stepped inside the LRT-2 train, changed my mood in a jiffy, and suppressed a smile. Lo and behold: a train with the poem display!
TULAAN
(blogger's note: the following are just excerpts from select Tulaan sa Tren 2 poems. I came upon a site of one of the poems' writers and was able to download Off the Beaten Track's [the poems' compilation] e-book version from there. You see, with that file in hand, it is like having a copy of all the Tulaan 2 poems. Kudos galore to "Mr. Matangmanok.")
Pasintabi by
Tabi tabi po nuno sa punso
akin nang suno ang inyong puno.
Hintay na ako ng magtrotrosong
may libong piso kada putol ko
makakakain na rin
ang supling na masasakitin
kakakaingin
kahit may mina o plantasyon
pa di na uubra ang ibang obra.
maestra pala ang bagyong thelma
nagturo siya ng alaala.
Lalo nang kunin niya
ang aking anak na anim
sa bahang taksil.
Nabuhay akong nagkwekwento
ng natukyan ko sa inyong multo!
Tabi tabi po nuno sa punso
akin nang suno ang inyong puno.
Tayo ang mga anak na puno ng hinanakit,
na tinawid ang bukid at baha,
upang umabot sa isang pagsasaboy
lamang ng buhangin sa mata ng isa't isa.
Samantalang isa-isa tayong mapupuwing
o tuluyang nabubulag,
aamin tayong hindi naten naisiksik
ang pare-pares ng lahat-lahat. — from Tayo by Ivy Rosales
Kung ako ay sapatos,
ihahatid kita kahit kailan
at saan ka man magpunta
hanggang tayo ay tumanda
na nangangarap na bata lagi
ang ating paa. — from Alamat by Vim Nadera
Kay sarap magbasa by Rene G. Villanueva
Kay sarap magbasa!
Kay sarap maglakbay sa kung saan-saan;
may kontinenteng malayo't malapit,
mga unibersong mahikal, marikit!
Kahit nakaupo o nakahiga lang,
alinmang lupalop aking napapasyalan;
anumang panahon ang nais kong puntahan,
nararating agad sa pagbabasa lamang!
BERSO SA METRO
Pericoloso by Gonzalo Rojas
Sa isang sulyap,
kay tulin ng lansangan
ang mga salamin
ng mga sasakya'y
pinararami ng araw
kayrumi ng hangin
at ito na ba ang mundo?
Confesion by Adelina Gurrea Monasterio
Panginoon, pagal na ang puso ko sa pangangarap
taglay itong mithiin sa aking paglalakad
malayo na ang narating
at ang alikabok nitong dinaanan
ay naging balakid sa landas na tinahak.
by San Juan de la Cruz
Nanatili ako at nagpaubaya,
isinandig ang mukha sa aking Minamahal
lahat ay tumigil at nagpaubaya ako
ibinaon sa limot lahat ng aking takot
sa gitna ng mga asusena.
Ciudad by Angel Gonzalez
At bigla kang nawala.
Paalam, pag-ibig, paalam.
Nakaalis ka na.
Walang iniwang bakas.
Umiikot ang siyudad.
Parang gilingan na dinudurog ang lahat.
by Pablo Neruda
Pagtawanan mo ang gabi, ang araw, ang buwan;
pagtawanan mo ang mga libu-libong landas na isla.
Pagtawanan mo ang torpeng lalaking ito na nagmamahal sa iyo,
nguni't kapag bubuksan ko at isasara ang aking mga mata,
kapag ako ay umalis,
kapag ako ay muling bumalik,
ipagkait mo na sa akin ang tinapay,
ang hangin, ang liwanag at ang tagsibol,
huwag lamang ang iyong ngiti
dahil ito'y aking ikasasawi.
by Luis de Gongora
Basta't ako'y maginhawa
magtawa sila nang magtawa.
Bahala na ang iba sa gobyerno ng mundo
at kanyang mga hari,
habang mayroon ako araw-araw
ng mantekilya't malambot na tinapay,
at sa umaga sa taglamig limonada at agwardyente.
Magtawa sila nang magtawa.
by Ernesto Cardenal
Nang mawala ka sa akin, ikaw at ako'y nawalan;
ako dahil ikaw ang minahal ko nang lubusan
at ikaw dahil ako ang sa iyo'y lubusasng nagmahal;
Nguni't sa dalawa ay ikaw ang higit na nawalan;
dahil pwede kong mahalin ang iba
tulad nang pagmamahal ko sa iyo
nguni't ika'y di mamahalin
nang tulad nang kung paano kita minahal.
Eternidad Segunda by Angel Crespo
Inilublob ko sa agos ng tubig,
aking mga palad
pagkat mga isla ang nais kong makatulad.
Sa mga daliri'y umanod ang dagat
tulad ng hanging tumagos sa mga bitak.
Sa mga katagang aking binitawan
ang mga sirena'y nagsipaghabulan.
At nang itong lupa'y nais kong balikan
ang dalampasiga'y di na masilayan.
by Antonio Machado
Lahat ay dadaan at lahat ay maiiwan,
pero tayo ay dadaan,
dadaang gumagawa ng mga daanan,
daanan sa ibabaw ng karagatan.
Haiku 18 and 19
7 years ago
0 comments:
Post a Comment