Copyright © my Wide White Wall
Design by Dzignine
Wednesday, August 14, 2013

EH BAKIT NGA BA HINDI AKO CRUSH NG CRUSH KO?

Ay teka, wala na nga pala akong crush.

Pero ano nga ba ‘tong fuss (okay, I know super late ako) tungkol sa akdang libro ni Ramon “Lucky” Bautista – na noong una feeling ko eh “somebody” pero di ko kilala until natunghayan ko siya sa ewan ko kung nasa ere pa rin ngayon na May Tamang Balita at nagpakilala siya saken – at nagawa pang gawan ng movie adaptation? Ewan ko. Pero salamat na lang din: una sa aking bro sa pag-uwi niya isang gabi sa bahay bitbit ang isang hiniram na kopya ng Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? at pangalawa, dahil ang librong ‘to ang nag-enlighten sa aking isa pala akong “Halamanization” expert. photo 1-gigglez.gif



Hindi ko masasabing market-moving ang librong ‘to. He he. Nang matapos ko ngang basahin in one sitting (dapat lang) ay tinanong ako ng kapatid kong nanghiram – at inunahan kong magbasa – nito kung maganda raw ba. Sagot ko ay isang medyo mahabang pause at “pwede na rin.”

For me, isa siyang reminder, kumbaga. Yung kalipunan ng questions and answers mula sa Formspring account ni RB – re signs na di ka gusto ng taong gusto mo, paano mag-move on, pagiging NBSB, at paano sasabihin sa parents mo na bumagsak ka sa eskwela – ang bumubuo dito, at ilang “selfie” pictures niya na may kasamang quotable one-liner sa ilalim. May mga tanong-at-sagot na totoong magpapangiti sa’yo. At meron ding ilan na talaga namang makaka-relate ka, tipong “teka, may Formspring acct. yata ako at ako yata ang nagtanong nito nakalimutan ko lang.” Parang ako, pagdating dun sa NBSB section. photo goops_zpsbbe892ed.gif

So ayun.

Maidagdag lang. Kung sa radyo may Papa Jack, sa Internet (at print na rin ngayon) si Ramon Bautista ang counterpart niya. Siyempre minus the pagiging racy, dahil cool dude lang itong huli. At kung sakaling bibili ka ng sarili mong kopya o makakatisod ng hiram lang at babasahin mo ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?, pramis sa isang picture andun si Luis Manzano kasama ni RB (na kamukha “raw” niya kaya pwede mong i-compare o kaya ipilit). Wala lang. Pakihanap na lang din dun si Aga Muhlach if you can. photo gwave_zps8f7c6f1b.gif 

0 comments:

CHECK OUT MY OTHER BLOG