With the firm belief that I already have copied all of them, here's the Part 3 of this blog's The Hunt for a Poem series. As to "that other" poem "with the same effect on me" like the one I have cited in here, well I guess there's actually none. I did peg away at looking for one, and though they're all exceptional poems, I have never stumbled upon at least one that is quite as memorable as that "poem with unidentified title and writer." All the same, here go the others.
BERSO SA METRO
Shirimiri by Gabriel Celaya
Ulan nang ulan. Walang nangyayari.
Ibig sabihin, nangyayari ang wala.
Ang sarap ng ulan, talaga, ang sarap magpahinga.
Panuntunan ng laro para sa mga lalaking iibig sa mga babaeng-babae by Gioconda Belli
Ang lalaking iibig sa aki'y
dapat marunong humaplos sa kurtina ng balat,
makita ang pangkaraniwan kong mata
at makilala yaong namumugad sa akin,
ang transparenteng maya ng paglalambing.
Ang lalaking iibig sa aki'y
di ako iibigin bilang isang kalakal
o kaya'y ipagyayabang na parang isang tropeo,
mananatili sa 'king piling,
taglay ang pag-ibig kong
nadarama kapag siya'y kapiling.
De mi jardin by Jose Palma
Humingi ka ng mga sampaguita… di kita bibigyan
dahil nang puputulin ko na sa mga sanga'y
nanginig ang aking kamay at ang dibdib ko'y nanikip
dahil sa awa.
Ayokong magdusa ang mga bulaklak na iyan,
gaya ng pagdurusa ng puso kong malayo sa iyo;
ayokong sa sandaling hawakan ng aking kamay,
iya'y malanta at mamatay.
SeƱorita Provinciana ni Jesus Balmori
Ang binabasa mo'y Abelardo at Eloisa
Paboritong pabango'y sa ashar gawa
at balot ng kislat ng madayang kababalaghan;
Sa simbahan, habang nakikinig ng misa
imbes na ang diyos sa altar ang nakikita
katabing nobyong nakaluhod ang siyang minamasdan.
Two Continents and Hours Apart
8 years ago
0 comments:
Post a Comment