Copyright © my Wide White Wall
Design by Dzignine
Wednesday, October 05, 2011

I HOPE THIS ONE IS GOODBYE... FOR GOOD

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA KAY A

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hinding-hindi na kita iiyakan, na pipilitin kong burahin ang mga alaala mo sa isip ko at ang feelings ko para sa'yo dito sa puso ko. Pero hanggang ngayon, kahit na napaniwala ko na ang sarili kong okay na 'ko, lagi pa ring nangingilid ang luha ko kapag naaalala kita.

Nakakalungkot. Masakit pa rin pala. Para akong tanga noh, aarte-arte nang ganito. Umaarte para sa wala. Ganito talaga siguro kapag suppressed love ang meron ka, lalo na kung nakalaan 'to para sa isang kaibigan.

Makakalaya lang talaga siguro ako kung masasabi ko sa'yong higit sa espesyal ang pagtingin ko sa'yo at nasasaktan ako sa hindi mo pagpansin sa akin, sa paglayo mo at pagtalikod na hindi ko batid kung bakit. Na kahit ako mismo ang mag-reach out, hinding-hindi rin tayo magtatagpo, dahil isang buong ikot ng mundo na ang layo natin sa isa't isa.

Sana minsan umihip ang hangin at ibulong sa'yo ang pangalan ko nang sa gayon ay maalala mo man lang ako. Alam kong mali ang umasa; di tama ang isipin kong nasa iisang bangka lang tayo. Pero ang kahit na panandaliang atensyon mo para sakin ay lagi nang Pasko. Haay, nakakaawa ako.

Tadhana na lang marahil ang tuluyang makapagpapatigil ng sakit 'kong 'to. At sana tadhana rin ang magpaabot ng sulat na 'to sa'yo, nasaan ka man. Isang request lang ang meron ako -- 'wag na 'wag ka na sanang lalapit sakaling tuluyan na akong nakalayo.

4 comments:

joja says:
at: 5:50 AM, October 09, 2011 said...

Our minds may be linked together... Kaya pala I had a feeling.

ybeth r. says:
at: 6:18 PM, October 09, 2011 said...

lols..matagal ko nang alam yan,hihi... what did u exactly feel?

joja says:
at: 7:54 PM, October 15, 2011 said...

what did I exactly feel... teka isipin ko ulit. hehe

like parang naiisip ko sya bigla, ng walang dahilan. nasasagap ko ang signal mo hehehe.

ok lang yan, makakaraos ka rin. basta keep striving forward, don't let the past make you its prisoner.

sabi pa nga ng iba, 'you don't have to forget the person, you just have to forget your feelings.'

ybeth r. says:
at: 12:08 AM, October 17, 2011 said...

haay sana ang signal na 'yan ay pwedeng mailipat sa cellphone noh! hahaha...
i'm much better now :). that mere letter signifies a lot. i'm now well into sa aking masteral studies ng art of letting go..weh?!lol

CHECK OUT MY OTHER BLOG